Thursday, August 2, 2007

Umalis na si Sandy?

Nagulat ako sa balitang umalis na raw at nagbalik-Korea na si Sandara Park. Hindi na raw ito interesado pang manatili sa bansa dahil sa wala na ngang love life, wala pang career. Hindi na rin interesado ang ating Korean doll na mag-artista pa.

Nakakaawa naman si Sandy dahil unang-una, gustung-gusto niyang mag-artista. Marami siyang isinakripisyo para lamang maabot ang kasikatan niya. Saka, naniniwala tayong mahal na mahal pa rin naman ng kanyang mga taga-hanga si Sandy, ang tinaguriang Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas.

Maganda rin ang naging development niya, pagdating sa pag-arte at pagpapatawa. Pero teka? Totoo nga bang umalis na si Sandy? Ang pagkakaalam natin, hindi pa naman tapos ang palabas niya sa Nuwebe. Wala rin tayong nababalitaan pa buhat sa kanyang mga fans na aalis ang magandang bituin. O panibagong pakulo na naman ito? Sige, iberipika natin.

No comments: