Showing posts with label interview. Show all posts
Showing posts with label interview. Show all posts

Tuesday, August 7, 2007

Icon Institute: Magsasalba sa industriya?

Nabasa ko lamang sa isang paskil sa tanggapan ng printing press na pag-aari ng isang kaibigan ang tungkol sa Casting Call, ang isang kakaibang modeling search. Kakaiba dahil hindi lamang hubog, ganda ng mukha at galing sa pagrampa sa entablado ang hinahanap kundi ang kabuuang ganda ng pagkatao. Ambisyoso, unang paglalarawan ko sa proyektong pinasimulan ng kompanya ni Jani Llave, isa ring kaibigan at batikan sa pagdating sa proyektong tulad nito.

"We are looking for models who are beautiful, inside and out. We are looking for models that are real role models for the youth," walang gatol na sabi sa atin ni Jani nang makapanayam natin siya sa kasagsagan ng kanilang pagpapa-audition sa NewsDesk (Working Journalists' Bar, Grill and Cafe) sa Quezon City.

Aniya, hindi nakalilikha ang industriya ng fashion o pagpapaganda at maging ang show business sa kabuuan ng mga artista at modelong tunay na magiging huwaran para sa kabataang Pilipino: mahusay magsalita, may katutubong ganda ng ugali, at may kakayahang umarte, dalhin ang sarili at humarap sa ibang tao.

"Casting Call is just the beginning of the series of competitions and also the beginning of what we call the Icon Institute," paliwanag ni Jani. Ang Icon Institute ang magiging lugar ng paghuhubog sa mapipiling mga modelo - lalaki at modelo - para maging tunay silang mga modelong maaaring maging hulwaran (hulmahan at huwaran).

"As we can see, there are many stars and models out there who are not really a model for the youth. Just like Paris Hilton. Is she a model for the youth?" tanong sa atin ni Jani, na hindi natin agad nasagot.

"We are looking for persons who are like Paris Hilton and Che Guevarra, combined," paglalarawan ni Jani sa hinahanap nilang mga kabataan. Paris bilang simbolo nang halos perpektong pisikal na ganda at si Che, ang rebolusyunaryong lider buhat sa Chile at katuwang ni Fidel Castro para maipagwagi ang kanilang digmaang sibil laban sa kapitalista sa Cuba, bilang larawan o simbolo ng di-makasariling pagmamahal sa kapwa-tao.

Bigla akong napag-isip sa nasabing ito ni Jani at naitanong ko sa sarili, "Mayroon bang ganoong tao?"

Kaya nga, bigay-diin ni Jani, huhubugin ang mga mapipiling kalahok sa kumpetisyong tatakbo nang halos tatlong buwan na katatampukan ng iba't ibang tagisan ng galing at talino gayundin, serye ng mga workshops at seminars na pangungunahan ng magagaling sa fashion, theater, at iba pang kaugnay na sining para papaghusayin ang talento at kakayahan ng mga kalahok.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Jani na hindi ito pagkumpetensiya sa mga umiiral nang kumpetisyon kundi pandagdag lamang.

"Gusto ko nga marami... Saka hindi ito para sa pera. Ginawa ko ito (Icon Institute) dahil passion ko 'to. Gusto kong makita na mahuhusay ang nasa industriya," sabi pa ni Jani.

Nang maghiwalay kami, nasabi ko na lamang, na harinawang makita ni Jani ang kanyang hinahanap dahil ako rin naman, sa aking sarili, masasabi kong hindi lahat ng mga artista, modelo pagdating sa talento at sariling kabaitan.

Monday, August 6, 2007

Angel nanganganib nga bang mawalan ng career?

Isang miron ang nakapagsabi na talagang namemeligro ang karera ni Angel Locsin bilang artista dahil na rin sa kasuwapangan diumano ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Ayon sa ating source, dahil sa wala namang totoong talent si Angel Locsin hindi gaya ng higanteng mga artista ng Dos na sina Claudine Barretto-Santiago at Judy Ann Santos, malamang na lamunin nang buung-buo si Angel at tuluyang matabunan ang kinang ng bituin ng dalaga.

“Angel’s career is just a struck of luck,” sabi ng ating ayaw na magpakilalang source. Naunang hinuhubog ng Siyete si Valerie Concepcion bilang kanilang nangungunang aktres nang mabuntis ito. Sa kasalukuyan, nasa Wowowee na si Valerie Concepcion, na isa ring alaga ni Becky Aguila.

“Hindi naman gaanong napapansin noon si Angel at kaya lamang siya nabigyan ng break sa Mulawin dahil sa ilang mga insidenteng nangyari sa buhay niya,” sabi pa ng ating source, pagtukoy sa pagkamatay ng kanyang nobyo na si Miko Sotto.

“Suwerte lang talaga si Angel na nag-click siya sa Mulawin… pero ang totoong humatak nang husto sa rating ng Siyete noon, ang Star Struck,” dagdag pa ng naturang miron. Ipinaliwanag niya na naunang umagat sa rating ang reality star search kaysa sa Mulawin.

“Hindi ba’t kasama naman si Mang Angel (ama ni Locsin) sa mga nakikipag-ayos sa proyekto ng kanyang anak?” sabi ko sa kausap. Maagap ang kanyang tugon: hindi naman lahat nalalaman ng ama ng aktres, laluna sa usapin ng talent fee at mga proyektong mag-aakyat ng limpak-limpak na salapi sa kabang-yaman ng manager nitong si Becky Aguila.

Isa sa mga nabanggit ng naturang nakausap natin na may niluluto sanang P68-Milyong halaga ng mga commercial endorsement sa dalaga ang GMA subalit nasansala nga ito dahil na rin sa pagnanasa ni Becky Aguila na madagdagan ang TF ng kanyang alaga. Paliwanag ng ating mapagkakatiwalaang source, si Becky ang hindi nasisiyahan sa tinatanggap ng kanyang alaga dahil kapag maliit nga naman ang TF ni Angel, maliit din ang kanyang nakukubra! Nakakagulat ang rebelasyon ng nakaututang-dila natin!

Pagpapatuloy pa niya, hindi na talaga natuto ang dalaga dahil alam na alam naman nitong ginagamit lamang siya ng kanyang manager. Kung hindi nga tayo nagkakamali, nagkaroon na noon si Angel ng problema kay Becky subalit, bandang huli, isinuko rin nito ang laban kontra sa kanyang manager at pinabayaan na nitong si Aguila ang magtimon o magpatakbo ng kanyang showbiz career.

Halong awa at inis ang nararamdaman ng ating nakausap kay Angel samantalang pinabubulaanan din ang ilang mga nasagap nating tsismis hinggil sa tunay na pinag-ugatan ng paglipat ng dalaga sa Dos.

“Alam mo, friend, ang manager ang siyang mapagpasya kung ano ang gagawin ng kanyang alaga. Gaya na lamang kay Angel. Iyong sinasabing sunud-sunod ang trabaho at halos wala nang pahinga ang dalaga, kagagawang lahat ng manager niya iyon. Dahil si Becky ang namamahala sa kanyang schedules.”

“Hindi rin totoo na tinanggihan ni Angel ang Mari Mar dahil unang-una, talagang ikinasa na nina Tita Yda (Henares) ang audition para sa role.

“Saka iyong tungkol sa 100 Sexiest Women ng FHM, na sinasabing dapat siya ang mananalo subalit tinanggihan niya, hindi rin totoo iyon dahil external o magkaiba naman ang entity ng Summit at GMA. Hindi maaring manipulahin ng GMA ang resulta at gayundin naman, nanalo si Katrina Halili, dahil sa text vote. Paano ngayon masasabing dapat si Angel ang nanalo at tinanggihan niya ‘yon dahil sa ideological stance? (Pagtukoy ng ating source sa pagiging supporter ni Angel ng grupong Gabriela).

“Besides, talagang si Katrina Halili rin naman ang gustong ipambatô (bet) ng GMA noong mga panahong ‘yon,” mahabang paliwanag ng ating source.

Tinanong din natin siya tungkol kay Jennilyn Mercado, hinggil sa sinasabing gustong i-freeze ng dambuhalang network ang career nito bunga ng alitan nina Becky at ng mga ‘higher authorities’, alalaong baga, ang management ng Siyete, sinabi ng ating source na hindi totoo ito.

“May existing contract pa rin naman kasi si Jennilyn at may mga proyekto pa ang network para sa kanya,” aniya pa.

“Ipagdasal na lang talaga natin na ‘wag mawalan ng career si Angel dahil sa ginagawa ng kanyang manager,” empathic ang pagkakasabi niya ng mga katagang ito.