Sunday, August 12, 2007

Ninotchka Rosca terorista?

Mga nasa larawan: Ninotchka Rosca, Dr. Annalisa Enrile, at Judith Minkinson. (Arkibong Bayan)

HINDI kami makapaniwalang ayaw pahintulutan ng Bureau of Immigratin (BI) ang tatlong delegado ng Women’s International Solidarity Mission in the Philippines (WISAP) na sina Dr. Annaliza Enrile, na tagapangulo ng Gabriela Network-USA, Ninotchka Rosca, kilalang feminista, nobelista, mamamahayag at tagapagtatag ng Gabriela Network-USA, at Judith Mirkinson.


Sa pulong balitaan ng lingguhang Kapihan sa CyPress na pinamamahalaan ng inyong lingkod, noong Agosto 11, isinawalat nina Dr. Enrile, Ninotchka at Judith ang kanilang hinanakit at galit sa kasalukuyang gobyerno dahil sa walang katuturang paglalagay sa kanila sa “watchlist” na hindi naman maipaliwanag maging ng Bureau of Immigratin and Deportation (BID) kung para saan at kung bakit naroroon ang kanilang mga pangalan.
Malamang na mag-rally ang buong literary and artists communities, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos at sa iba pang mga bansa na nakakikilala kay Ninotchka.

Ninotchka Rosca is the author of the award-winning and critically-acclaimed book “State of War” and she is being read, not only by Filipinos but the foreigners as well. Isa si Ninotchka sa mga ipinagmamalaking English fiction and non-fiction writer sa bansa.
Malaking kahihiyan sa gobyernong Pilipino ang ginawang itong pagpigil kina Ninotchka at kanyang mga kasama para makauwi sa Amerika, na kung tutuusin, kanila nang bayan dahil pawang ‘subjects of the United States of America’ na sila. Judith Mirkinson is an American, a true-blue American.

Kaya nga, ang sabi ni Gabriela Women’s Party-list Rep. Liza Largoza-Maza, bakit may hold departure order gayong wala namang kaso ang nabanggit na kababaihan? At hindi ba alam ng mga taga-gobyerno kung sino si Ninotchka Rosca?
Hay! Ang hirap talaga kapag medyo paranoid o praning ang nasa gobyerno.

***

Tuluyan na ngang naging kapamilya si Angel Locsin, pangunahing tagapagtaguyod din ng mga ipinaglalaban ng Gabriela. Ano kaya ang magiging say niya na ang kanyang kabarong si Ninotchka Rosca ay hindi pinahintulutang makalipad patungong Amerika?


Nakapirma na nga raw ang magandang aktres sa Dos at hindi pa natin alam ang buong detalye ng kontrata. Makikiamoy pa tayo, mga kapatid. Gayunpaman, nais nating ipahatid kay Angel na natutuwa tayo na nagbalik na siya. Kaya lamang, nalulungkot din tayo dahil ayon nga sa nakausap nating miron, hindi ba, baka mawalan ng karera ang mahal nating aktres dahil sa paglipat niya sa Dos.
Nananalangin tayo na huwag naman sana at sana, tanggapin siyang buum-buo ng mga Kapamilya dahil may nakapagpaabot sa atin na mukhang malamig ang pagtanggap ng ilang taga-Dos sa dalaga.

Kung totoo man ito, sana naman ay bigyan natin ng puwang si Angel at mapatunayan naman niya na may karapatan siyang maging artista ng Dos.


***

Umarangkada na ang Marimar sa Siyete at sa patikim nila sa nag-aabang na mga manonood, ipinakita ang ilan sa kapana-panabik na mga eksena na dapat subaybayan ng madla.
Sana ay maging matagumpay ang Siyete sa pagbuhay sa telenobelang minahal ng mga tao, ang Marimar.

No comments: